Gov. Oyie Umali, bumida sa “The Philippine StarWeek”

Naging cover ng The Philippine Star Magazine si Nueva Ecija Gov. Aurelio “Oyie “ Umali sa Starweek o Sunday Magazine nito noong September  07, 2014.

May temang “Securing the Future of the New Nueva Ecija” ang nasabing magazine, kung saan ibinida ang mga proyekto ng probinsya sa pangunguna ng gobernador.

Kabilang na dito ang gift giving na pinangungunahan ng kanyang maybahay na si 3rd district Congw. Cherry Umali, PPP o Provincial Public-Private Partnership Program at Disaster Prevention and Resilience.

Ayon sa artikulo, nananatili umano si Gov. Oyie  sa pagiging proud sa lahat ng mga accomplishment ng probinsya mula ng siya ay maluklok bilang ama ng lalawigan noong taong 2007.

Sinabi rin ng gobernador, ang pinakamaipagmamalaki umano niya bilang pinuno, ay nang mawala ang takot ng mga Novo Ecijano at ng  iba pang kalapit na probinsya sa imahe nito dahil noon ay kilala ang Nueva Ecija sa karahasan lalo na tuwing sasapit ang eleksyon ngunit ngayon masasabi niyang ito ay maunlad at tahimik na lalawigan.

Naniniwala si Gov. Oyie na masayang tinatamasa ng mga Novo Ecijano ang pagiging malaya.

Malaya, sa pagpapahayag ng kanilang mga saloobin at damdamin, malaya, sa pagpapakita ng kanilang naisin bilang isang mamayan ng Nueva Ecija nang walang halong pag-aalinlangan at pangamba.

Para sa gobernador, hindi uunlad ang isang lugar kung ang mismong mamamayan nito ay balot ng takot at walang laya bilang mga residente nito.

Samantala, binanggit din ni Gov. Oyie ang planong pagtakbo ng ina ng kanyang maybahay na si Congw. Cherry na 2016 elections bilang kanyang kapalit sa pagiging Governor ng Nueva Ecija at umaasa umano ang gobernador na hindi mabibigo ang kanyang asawa dito. – Ulat Ni Mary Joy Perez

 

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s