Paglilipat ng New Bilibid Prison sa Nueva Ecija, umani ng sari-saring opinion mula sa ilang Novo Ecijano

Iba-iba ang naging reaksyon ng mga taga brgy. Nazareth, General Natividad sa balitang doon ililipat ang New Bilibid Prison na sisimulan na sa susunod na taon.

Anila, wala nga silang magagawa kung sa lugar nila ililipat ang bilibid ngunit sana raw ay wala itong hatid na panganib sa kanila.

Matatandaan na una nang nagkaroon ng pagpupulong o public hearing ang mga opisyales sa lalawigan partikular ang mga Mayor at Vice Mayor kasama ang mga Brgy. Official sa pangunguna ni Gov. Oyie Umali at DOJ Usec. Francisco Baraan III noong Hulyo ukol sa paglilipat ng nasabing kulungan.

Sa paglilipat nga ng New Bilibid sa bayan ng Gen. Natividad ay tila marami ang tutol dahil anila may posibilidad na magkaroon ito ng banta sa kanilang mga seguridad lalong higit ang mga malalapit sa lugar na pagtatayuan ng kalungan.

Dagdag pa ng ilang Novo Ecijanos ay huwag na raw sana dito ilipat ang naturang bilibid imbes ay sa ibang lugar na lamang daw ito itayo o di kaya’y manatili na lamang sa Muntinlupa-Ulat ni MARY JOY PEREZ