ADRF, NGO na tumutulong sa mga batang kapus-palad

Umabot sa dalawandaang gamit ekswela ang ipinagkaloob ng mga estudyante ng CIC o College of the Immaculate para sa Hope Project Philippines ng ADRF o Africa Asia Development Relief Foundation.

Ang ADRF ay isang non-governmental organization. Layunin ng foundation na tulungan ang mga batang kapus-palad upang makapag-aral sa elementarya.

Nagmumula sa bansang Korea at mga sumusuportang bansa tulad ng Taiwan, Japan, at USA ang pondo na ginagamit ng ADRF para sa kanilang proyekto.

Bukod dito ay naghahanap din sila ng mga local volunteer para tumulong sa kanilang Saturday tutorials at mga taong magbibigay ng mga gamit eskwela.

Isa ang CIC sa mga institusyon sa lalawigan sa pamamagitan ng kanilang mga estudyante na bukas palad na nagbabahagi ng kanilang kakayahan para magkaroon ng magandang kinabukasan ang mga kabataang Novo Ecijano sa kabila ng kakapusan sa buhay.

Tuwing araw ng Sabado ang mga volunteer ng ADRF sa ilalim ng Hope Plus Project ay nagpapakain at nagtuturo ng mga bata.

Sinimulan noong nakaraang taon May 2013 ang ADRF dito sa lalawigan ng Nueva Ecija. Makaraan ang isang taon ay napalawak na ng foundation ang kanilang proyekto, ngayon sa kanilang ikalawang taon maging high school students na kapos sa pinansiyal ay tutulungan na din ng ADRF na makapagpatuloy ng pag-aaral.  – Ulat ni Clariza De Guzman