Munoz National High School, humataw sa dancercise!

Todo bigay sa pag galaw ang tatlong eskwelahan sa pagsayaw ng opisyal na kanta ng isang kumpanya para sa kanilang Division Level ng Wellness Campus Tour 2014.

 

Ang eskwelahan ng Munoz National High School, Munoz National Annex at San Anton Integrated School ang nagpaligsahan sa pagsayaw.

 

Sa bawat eskwelahan, limampung estudyante ang naghanda at sinanay upang sumali sa naturang kompetisyon. Bawat estudyante ay nagpakita ng liksi ng katawan sa kanilang pag hataw.

 

Ayon kay Elmer Sison, Department Head ng Munoz National High School ay naging masinsin talaga ang proseso ng kanilang pagpili sa dalawamput limang babae at dalawamput limang lalaking estudyante na kumatawan para sa kanilang paaralan.

 

Nakuha ng Munoz National High School ang kampyonato at cash prize na sampung libong piso, pumangalawa ang Munoz National Annex at pumangatlo ang San Anton Integrated School.

 

Mahalaga umano na magkaroon ng malusog na pangangatawan ang bawat mag-aaral, upang magkaroon din ng malusog na kaisipan. Ulat ni Danira Gabriel