Apo ni Epifanio Delos Santos, panauhing pandangal sa ika-118 na anibersaryo ng Unang Sigaw sa bayan ng San Isidro

Sa paggunita ng makasaysayang Unang Sigaw ng Nueva Ecija na ipinagdiwag ng mga mamamayan ng San Isidro ay naging panauhing pandangal si Ginang Carmen Delos Santos Suva na apo ni Epifanio Delos Santos na isa sa umukit ng kasaysayan hindi lamang sa bayan ng San Isidro kundi sa buong bansa at matatandaan na ang Historic Highway ay isinunod sa kanyang pangalan na EDSA o Epifanio Delos Santos Avenue.

 

Dahil na din sa nasabing okasyon ay umuwi pa mula  Amerika si Gng. Suva upang dumalo at ayon sa kanya ay marapat na ituloy ng mga kabataan ang magandang sinumulan at kabayanihan na ipinamalas ng ating mga kababayan.

 

Dumalo din sa pag diriwang ang si Ginoong Basilio Sigua Presidente ng Veterans Federation at si Ginang Bernardita Ramoso Presidente ng FSCAP o Federation of Senior Citizens Association of the Philippines.

Itinampok din ang pag-aalay ng bulaklak sa puntod ng mga bayani na pinangunahan nina Mayor Cesario “Dong” Lopez, Jr.

 

Ayon kay Mayor Lopez ang taunang paggunita ng Unang Sigaw ng Nueva Ecija ay napakahalaga para sa ating kasaysayan.

Pinakaabangan din ng mga manunuod ang pagsayaw ng mga street dancers mula sa iba’t ibang paaralan sa bayan ng San Isidro.  Ito ay ang  ang San Isidro District Street Dancers, Calaba National High School, NEUST San Isidro Campus, T.A Dionisio National High School, Pulo National High School at General de Jesus College.

Ikinasaya ng lahat ang pagdiriwang ng ika-118 anibersaryo ng Unang Sigaw ng Nueva Ecija na dapat ay laging isa isip sapagkat ito ang tanda ng kabayanihan ng ating mga ninuno na nakaukit na sa kasaysayan. – Ulat ni Joyce Fuentes