NEUST High School, wagi sa poster making contest

Natanggap ng  Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST) High School sa Cabanatuan City ang pagiging 1st Place sa naganap na Poster Making Contest  na may temang “Lung Disease Prevention and Smoking Cessation”  na inilunsad ng PMC o Premier Medical Center at sa pakikiisa at pakikipagtulungan ng Provincial Government.

Ito ay kaugnay ng pagdiriwang ng National Lung Month, kung saan ang nasabing Poster Making Contest ay nilahukan ng tatlong Provincial High School sa Lungsod ng Cabanatuan ito ay ang  Nueva Ecija High School (NEHS), Honorato C. Perez Sr. Memorial Science High School at  Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST) High School.

Ayon kay Dra. Sylvia B. Yang, Medical Director of PMC at IM-Pulmonologist ang layunin ng kanilang isinagawang aktibidad ay upang magkaroon ng karagdagang kaalaman ang lahat hinggil sa pagkakaroon ng mga Lung Disease na isang sanhi ay paninigarilyo  at kung paano ito maiiwasan.

Nasungkit naman ng Honorato C. Perez Sr. Memorial Science High School ang pagiging 2nd Place at muli ay naiuwi ng NEUST ang pagiging 3rd Place.

Ang pagpili ng mga nanalo ay dumaan sa masusing pagboto na pinamunuan ni Dra. Yang at iba pang mga bisita noong araw na un.

Ang pagboto ay idinaan sa paglalagay ng mga stars na may iba’t ibang kulay tulad ng green para sa 1 point, yellow para sa 2points at orange para sa 5 points.

Samantala, nagsagawa din ng isang Culminating Activity ang PMC na may temang Lung Disease Update na dinaluhan din ng mga mag-aaral at guro sa mga nasabing paaralan.

Dagdag din ni Dra. Yang na ang mismong target nila sakanilang aktibidad na ito ay ang mga kabataan kung saan lumalabas sa pag-aaral na 90% ng bilang ng mga naninigarilyo ay wala pa sa wastong gulang o bago pa man tumuntong sa edad na dalawangpu’t isang taong gulang.

Pinangunahan ito ni Dra. Yang ang lecture kung saan nagbigay siya ng ng update ukol sa Common Lung Diseases.

Dumalo din at naging guest speaker sina Dr. Leander Simpao President of Philippine College of Chest Physicians (PCCP) ng Central Luzon Chapter at Dr. Andrew Yacat Medical Oncologist.

At kahit patapos na ang buwan ng Agosto ay tuloy-tuloy pa din ang mga aktibidad ng PMC hinggil sa “Lung Disease Prevention and Smoking Cessation”.

Sa katunayan ay tuloy-tuloy pa din na isinasagawa ang inilunsad nilang Libreng Test sa baga para sa mga tricycle sa lungsod ng Cabanatuan. Ulat ni Joyce Fuentes