NECSL Season 3 Basketball, tumitindi ang labanan

Mainit na labanan ang naganap sa iba pang mga koponan pagdating sa Basketball ng Nueva Ecija Collegiate Sports League (NECSL) Season 3.

Nagharap-harap sa court ang anim na koponan pagdating sa pang-apat na araw ng labanan na isinagawa sa sa Nueva Ecija Doctors College Incorporated (NEDCI) Gymnasium kamakailan.  Una na dito ang naging laban ng GJC Generals vs LA FORTUNA Spartans kung saan matinding depensa ang ginawa ng GJC Generals upang masungkit ang kanilang pagkapanalo sa score na 97-70 at nakabawi sa pagkatalo nila sa CIC Kings na naganap noong pangalawang araw ng laro.

Sumunod dito ang laban ng NEUST Phoenix at MVGFC Ambassadors na talaga namang ipinakita ng NEUST Phoenix ang kanilang taglay na husay  at tinapos nila ang laro sa score na 142-65 at sa ngayon ay maitatalang wala pang naging talo ang kupunan ng NEUST Phoenix.

At sa huling laban para sa pang-apat na araw ng laro ay nagtuos ang Wesleyan University of the Philippines (WU-P) Riders at ang Nueva Ecija Doctors College Incorporated (NEDCI) Water Buffalos kung saan hindi nag padaig ang WU-P Riders sa kalaban nito na NEDCI Water Buffalos kahit pa sabihing nasa  mismong teritoryo nila, nanalo ang WU-P Riders sa score na 96-88 at tulad ng NEUST Phoenix ay wala pa ding talo sa ngayon ang WU-P Riders.- Ulat ni Joyce Fuentes