NEUST Phoenix, nilampaso ang AMA Titans; WU-P Riders at Lacson Golden Lions, wagi

NECSL OPENING DAY BASKETBALL GAME RESULTS

WEDNESDAY | AUGUST 20, 2014

 

GAME 1
NEUST 175 AMA 33
GAME 2
WU-P 88 MIDWAY 85
GAME 3
LACSON 92 ABE 75

 

Date: August 20, 2014 (1st Day Basketball Men)

Title: NEUST Phoenix, nilampaso ang AMA Titans; WU-P Riders at Lacson Golden Lions, wagi!

Nilampaso ng NEUST Phoenix ang AMA Titans sa score na 175-33 sa unang araw ng paghaharap sa Nueva Ecija Collegiate Sports League Season 3 nitong Miyerkules, August 20.

Sa 1st quarter, lumamang na ang Phoenix na pinangunahan ng MVP ng NECSL Season 2, Jersey Number 9 Ferrer sa score na 39-10. Pinalobo pa ng Phoenix ang malaking kalamangan na umabot ng mahigit isang daang puntos hanggang sa matapos ang 4th quarter.

Sa huli, itinanghal na Best Player si Jersey Number 16 Arnel Palon na gumawa ng 30 points, 5 rebounds, 3 assists and 3 steals.

Samantala, dikitan ang naging laban sa pagitan ng Midway Marshalls laban sa Wesleyan University-Philippines Riders sa score na 88-85. Sa 1st quarter, palitan ng lamang ang Riders at Marshalls. Ngunit sa katapusan nito, 9 na puntos ang naging kalamangan ng Riders sa score na 27-18.

Pagpasok ng 2nd quarter, mas tumindi ang opensa ng Riders na umabot ang kalamangan ng 11 puntos sa score na 44-33. Sumabog naman ang init ni Tadeo Jersey Number 12 ng Riders na nakuha pang magdunk sa 3rd quarter. Subalit, hindi nagpadaig sa depensa at opensa ang mga manlalaro ng Marshalls kung saan lumiit ang kalamangan ng Riders sa 8 puntos sa score na 72-64.

Sa 4th quarter, napuno ng tensyon ang loob ng gymnasium ng Araullo ng dumikit sa score na 86-85, isang kalamangan lamang para sa Riders. Sa bawat hiyaw at padyak ng mga manonood, dumagundong ang venue sa tindi ng lakas ng cheer sa dalawang koponan. Sa 32 seconds na natitirang oras, isa na lang ang naging lamang ng Riders ngunit dahil sa pagbigay ng dalawang puntos ni Jersey Number 4 Diaz ay naging 3 puntos ang naging lamang.

Sa huli, wagi ang Wesleyan Riders sa score na 88-85 at naging Best Player of the game si Jeoffrey G. Tadeo Jersey Number 12 na may 27 points, 7 rebounds, 2assists, at 1 block.

Sa 3rd Game 3 ng Day 1, tinambakan ng 17 puntos ng Lacson golden Lions ang ABE Wolves sa score na 92. 75. Sa 1st quarter, matindi ang energy na ibinigay ng Golden Lions sa koponan ng Wolves. Ngunit, hindi naman bumibitaw sa pagdepensa ang mga Abenista sa Lacsonians kaya sa pagtatapos ng 1st quarter, 10 puntos ang naging kalamangan ng Golden Lions.

Pagdating ng 2nd quarter, umakyat sa 13 puntos ang kalamangan ng Golden Lions. Sa quarter ding ito nag-init ang big man ng Golden Lions na si Nolasco Jesey Number 13 sa paggawa ng puntos.

Pinalawig pa ng Golden Lions ang lamang nito sa 17 puntos pagtuntong ng third quarter. Hindi na pinabawi pa ng Golden Lions ang Wolves sa 4th quarter kung saan nagtapos sa 92-75 ang score.

Naging Best Player of the Game si Mark Anthony Madrilejos na may 20 points, 4 rebounds, 3 assists at 1 steal.

Ulat ni Shane Tolentino