Masarap na atsara, ipinagmamalaki sa Talavera

Sari-saring gulay isama mo pa ang suka at kaunting asukal, yan ang bubuo sa  ating maasim-asim at matamis-tamis ngunit masarap na atsara!

Ang atsara ay isang katutubong uri ng inimbak na gulay sa suka na malimit gawin sa katagalugan at ngayon maging sa ibang bansa.

Ito ay dessert o pang-alis ng umay o suya pagkatapos makakain ng karne at iba pang matatabang pagkain.

Pinagsasama-sama ang mga gulay tulad ng sitaw, carrots, raddish o labanos at anumang naisin mo saka ito ilalagay sa malinis na bote o garapon.

Dito sa bayan ng Talavera, Nueva Ecija, ang atsara ang isa sa mga produktong ipinagmamalaki ng mga taga rito na maaaring gawing pangkabuhayan ng sinuman.

At pinangungunahan na ito ng samahang ito na pawang mga Ginang.

Bago ibuhos ang tinamisang suka ay isinasalansan muna ang ang gulay kasama ng gayat ng luya, siling malalaki, sibuyas  tulad nito.

Ang maayos at malinis na pagkakahanda nito ay magbibigay katiyakan ng matagalang pagkakaimbak nito ng hindi nagbabago ang timpla kahit mahigit isang buwan na ito na nakastock.

Samantala, hindi lamang ito ang maaari mong gawing atsara dahil ang karaniwan na ginagawang atsara ay ang ginadgad na hilaw na papaya, dahil maaari din ang ubod ng niyoglabanos at labong ng kawayan.

Madali lang gawin di ba?

Try nyo na at magsimula nang kumita! – Ulat ni Mary Joy Perez