FPTCA, HPTA at SSG ng JOLNHS sa bayan ng Sto. Domingo, nanumpa

Nanumpa kahapon August 27 ang mga magulang, guro at mga estudyanteng nahalal sa mataas na paaralan ng Julia Ortiz Luis sa bayan ng Sto Domingo. Pinangunahan ng ina ng ikatlong distrito, Congresswoman Cherry Umali ang nasabing Joint Oath Taking ng Federated Parents, Teachers and Community Association o FPTCA, at Supreme Student Government o SSG sa himnasyo ng nasabing paaralan.

Naihalal bilang Presidente ng FPTCA ang hepe ng Land Transportation Office ng Nueva Ecija na si Realto Sabacan. Ayon sa kanya, asahang gagawin nila ang lahat para sa ikagaganda ng paaralan sa tulong na rin ng mga magulang at ng pamahalaang panlalawigan.

Dahil sa mainit na pagtanggap ng mga taga Sto. Domingo sa ina ng lalawigan Congresswoman Cherry Umali ay agarang tutugunan ang kahilingan ng ng mga FPTCA officers.

Magbibigay din ang kongresista ng limampung slots para sa scholarship sa mga magsisipagtapos ng high school sa JOLNHS.

Kasabay din nito ang pagbigay ng munting regalo sa humigit kumulang isang libo limang daang residente ng Brangay San Francisco sa pangunguna ni Kapitana Victoria Bernardo, Barangay Concepcion sa pangunguna ni Kapitan Feliciano Garcia at Barangay Sagaba sa pangunguna ni Kapitan Mario Maniego.- Ulat ni Shane Tolentino