Bakbakan ng mga koponan sa NECSL 2014, lalong umiigting

Sa Day 4 ng laban sa Women’s Volleyball, naging madali para sa CRT Blue Fox ang pagkapanalo sa 3 sets ng laban  kontra sa Lacson Golden Lions. Sa standing, may tig-isang panalo at talo ang dalawang koponan.

Sa pagpasok ng Game 2, wagi ang Wesleyan Riders kontra sa Manuel V. Gallego Ambassadors sa score na 25-22,25-13,25-26 Hindi hinayaan ng MVP na si Laraine F. Fajardo na mabahiran ng pagkatalo. Ito ang pangalawang beses na pagdepensa sa kanilang titulo.

Samantala, ipinakita ng NEUST Phoenix ang kabangisan sa pagpalo kaya naman ang CIC Kings, pinadapa ng Phoenix sa score na 25-6, 25-7 25-8. Pangatlong beses na ng pagkapanalo ng Phoenix at susunod na makakalaban sa Biyernes August 29 ay ang Lacson Golden Lions.

WOMEN’S VOLLEYBALL

DAY1-4

BRACKET A

PARTICIPATING SCHOOLS W L
WUP RIDERS                                    2 0
ABE WOLVES                                   0 2
LA FORTUNA SPARTANS               0 2
AMA TITANS                                   2 0
GJC GENERALS                                1 1
MVGFC AMBASSADORS                1 1

 

BRACKET B

PARTICIPATING SCHOOLS W L
NEUST PHOENIX 3 0
CRT BLUE FOX 1 1
DATAMEX BLUE VIPERS 0 2
CIC KINGS 1 2
LACSON GOLDEN LIONS 1 1

 

 

 

 

Sa Men’s Basketball, pinaulanan ng CRT Blue Fox ang Datamex Blue Vipers sa score na 108-63. Itinanghal na Best Player si Jersey Number 12 Gallardo na may 26 points, 7 rebounds, 2 assists and 2 steals. May tig-isang panalo at talo na ang CRT Blue Fox samantalang ang Blue Vipers ay may dalawa ng talo at wala pang panalo.

Pinayuko naman ng CIC Kings ang La Fortuna Spartans sa score na 91-58. Sa tulong ni Jersey number 18 Salbatierra ay mas pinalaki pa ang lamang dahil sa paggawa ng 26 points, 2 rebounds, 1 assist at 3 steals.

Samantala, nananatili pa ring walang talo ang Lacson Golden Lions. Kahapon, naungusan ng siyam na puntos ang MVGFC Ambassadors sa score na 82-73. Ang Golden Lions na may tatlong panalo at ang defending champion NEUST Phoenix na may dalawang panalo, kapwa parehong wala pang talo sa Bracket A ay maghaharap sa pinakahuling laban ng Elimination Round. Itinanghal bilang Best Player si Jersey number 4 Madrilejos na may 19 points, 5 rebounds, 3 assists, 2 steals and 1 block. –Ulat ni Shane Tolentino

Men’s Basketball

Day 1-5

BRACKET A                                        

 

Participating Schools

 

W

 

L

 

NEUST PHOENIX                               

 

2

 

0

 

AMA TITANS                                      

 

0

 

2

 

ABE WOLVES

 

1

 

1

 

LACSON GOLDEN LIONS                   

 

3

 

0

 

MVGFC AMBASSADORS

 

1

 

2

 

CRT BLUE FOX                                                           

 

1

 

1

 

DATAMEX BLUE VIPERS                  

 

0

 

2

 

BRACKET B

Participating Schools W L
 

WUP RIDERS

 

2

 

0

 

MIDWAY MARSHALL

 

1

 

1

 

LA FORTUNA SPARTANS

 

0

 

3

NEDCI WATER BUFFALOS 1 1
GJC GENERALS 1 1
CIC KINGS 2 1