Sikad Novo Ecijano 2014, dinaluhan ng daan-daang siklista

Naging mainit ang naging laban para sa kampeonato ng Sikad Nueva Ecija na dinaluhan ng mga kalahok at kanilang mga suporta, naging dikit ang laban para sa tatlong kategorya na may iba’t ibang layo ng tinakbo depende sa iyong kakayahan.

Umikot mula sa Freedom Park Cabanatuan City hanggang Balok paikot sa Sta Rosa ang mga kalahok sa amature category. Mula Freedom Park naman ay umabot sa San Jose City ang iba pang category na umikot pa sa Sta Rosa hanggang makabalik sa Freedom Park Cabanatuan city.

Naging mainit ang laban para sa iba’t ibang kategorya at halos ilang minuto lamang ang pagitan ng amature, professional at master category bago makarating sa finish line.

Umabot ng humigit kumulang 3 oras ang nangyaring patimpalak kung saan nagwagi ang siyam na siklista para sa iba’t ibang kategorya.

Ang mga nagwagi ay ang mga sumusunod:

Amateur category

Champion Jan kim Nasino

1st Runner up Bryant angelo licup

2nd Runner up rudy padilla

 

Master category (40 years old and above)

Champion Edilberto juachon

1st runner up Joel buco

2nd runner up Emil Bustamante

 

Professional category

Champion Joel Calderon

1st runner up Felipe Marcelo

2nd Runner up Rustom lim

Sa susunod na taon ayon sa Sports and Youth Development na mas lalo pang pakaabangan ang Sikad Novo Ecijano at lalo pang dadami ang mga kalahok sa patimpalak na ito. –Ulat ni Amber Salazar