Climate Change forum, dinaluhan ng mga kabataan

“Nagbabago na ang panahon, panahon na para magbago”, ito ang naging tema ng Climate Change forum ng PENRO o Provincial Environment and Natural Resources Officer, PIA o Philipppine Information Agency at PCOO o Presidential Communication Operations Office,na ginanap sa Araullo University.

Ipinaliwanag ng PENRO kung ano nga ba ang ginagawa ng mga tao na nakakaapekto sa pagbabago ng klima at ano ang mga maaaring gawin  upang maiwasan ang mabilis at malubhang pagbabago nito.

Ayon kay Marivic Santos ng DENR-PENRO, hindi na biro ang nagiging epekto ng Climate Change sa mundo.

Mahigit sa limang daan mag-aaral ang dumalo sa nasabing forum. Malaki umano ang maitutulong ng mga kabataan para sa pagpapakalat ng impormasyon ukol sa mga pagbabago ng panahon at ang mga maaaring gawin para makaiwas dito.

Napapanahon na umano upang gisingin ang mga mamamayan higit ang mga kabataan sa pagkakaroon ng kamalayan ukol sa kalikasan at kung paano ito mapapangalagaan ng tama para sa proteksyon nito at ng mga tao.

Ang pagwa-walang pakialam sa kung ano ang ginagawa ng tao at ano ang kahihinatnan o epekto nito ay hindi dapat ipag walang bahala. Kundi dapat magkaroon ng kamalayan ang bawat isa ukol sa kalikasan at kung paano nito mapapangalagaan ng tama para sa proteksiyon ng buong mundo. -Ulat ni Danira Gabriel