Elementary students ng Nueva Ecija, nagtagisan sa pagguhit

“Why My Bright Smiles Makes Me Happy”, yan ang tema ng ginanap na Division Poster Making Contest sa lungsod ng Palayan noong Martes August 26, 2014.

Mula sa iba’t-ibang elementary schools sa buong division ng lalawigan ang mga nakiisang estudyante ng grade 1, 2 at 3.

Ibinida ng mga elementary students ang kanilang galling at husay sa pagguhit na nakabase sa nasabing tema.

Ayon kay Palayan City District Supervisor Paterno Mendoza, ikalawang taon na ito ng DIC o Division Integrated Competition na pinangungunahan ng DEPED o Department of Education.

Tatlumpu’t tatlong distrito sa buong probinsya o siyamnapu’t siyam na bata ang nakilahok sa nasabing kompetisyon na siyang lalong nagpahirap sa mga hurado na binubuo ng mga doctor at dentista mula sa Medical Unit ng Division of Nueva Ecija dahil bawat bata umano ay napakahusay pagdating sa larangan ng sining.

Dalawa lamang sina Sean Gabriel at Jean Franco sa mga nakasungkit ng gintong medalya  at ang naging sikreto daw nila dito. Kaya naman, proud na proud ang kanilang mga mommy.

Samantala, sa pagtatapos ng paligsahan ibinigay na ang mga medalya at tropeyo sa mga nagwagi at nagpakita ng talino at husay ng kamay sa pagguhit.—Ulat ni MARY JOY PEREZ