Lee Yu at Ma. Isabella Llamas, kinoronahang Mr. and Ms. Intrams 2014

Kinoronahang Mr. Intrams 2014 si Lee Cyril Yu at Ms. Intrams 2014 si Ma. Isabella Llamas sa naganap na tagisan ng kagandahan at kagwapuhan sa pagbubukas ng Intramurals ng Honorato C. Perez, Sr. Memorial Science High School nitong ika-13 ng Agosto, 2014.

Ginanap ang patimpalak sa entablado ng Himnasyo ng nasabing eskwelahan.

Hiyawan ng bawat estudyante nang lumabas ang dalawampung kandidato ng Mr. and Ms. Intrams 2014 para sa kanilang production number.Pinamangha ng mga kandidato ang halos isang libong mag-aaral na nanood sa kanilang sports attire na ipinakita na mas lalong pinatindi ng kompetisyon.

Nakamit ni Candidate Number 16 Lee Cyril Yu ang pagiging Mr. Intrams 2014 at hinirang bilang Ms. Intrams 2014 si Ma. Isabella Llamas.

Bukod dito nakamit din nila pareho ang Best in Shorts and Best in Sports Wear.

Wagi din sina Candidate Number 5 and 17 bilang Mr. and Ms. Intramurals 2014 4th Runner-Up, Candidate number 2 and 15 bilang Mr. and Ms. Intramurals 2014 3rd Runner-up, Candidate number 15 and 16 bilang Mr. and Ms. Intramurals 2014 2nd Runner-up, Candidate number 14 and 8 bilang Mr. and Ms. Intramurals 2014 1st Runner-up.

Personal na dumalo sa kasiyahan ang konsehal ng lungsod ng Cabanatuan Konsehal Gave Calling na lubos na nagpasalamat sa imbistasyong ibinigay sa kanya.

Ayon sa principal ng Honorato C. Perez, Sr. Memorial Science High School, Alberto Santos, unti-unti nang nakikilala ang kanilang paaralan pagdating sa sports.

Hiniling niya sa mga estudyante na kung ano man ang nasimulan ng mga batang magsisipagtapos ay ipagpatuloy ng mga susunod na henerasyon.

Ang intramurals ng nasabing paaralan ay inisponsoran ng dating Board Member ng ikatlong distrito, Doc Anthony Umali.- Ulat ni Shane Tolentino