Day One Game Highlights: WUP Riders 88 VS Midway Marshall 85

Dikitan ang naging laban sa pagitan ng Midway Marshalls laban sa Wesleyan University-Philippines Riders sa score na 88-85. Sa 1st quarter, palitan ng lamang ang Riders at Marshalls. Ngunit sa katapusan nito, 9 na puntos ang naging kalamangan ng Riders sa score na 27-18.

Pagpasok ng 2nd quarter, mas tumindi ang opensa ng Riders na umabot ang kalamangan ng 11 puntos sa score na 44-33. Sumabog naman ang init ni Tadeo Jersey Number 12 ng Riders na nakuha pang magdunk sa 3rd quarter. Subalit, hindi nagpadaig sa depensa at opensa ang mga manlalaro ng Marshalls kung saan lumiit ang kalamangan ng Riders sa 8 puntos sa score na 72-64.

Sa 4th quarter, napuno ng tensyon ang loob ng gymnasium ng Araullo ng dumikit sa score na 86-85, isang kalamangan lamang para sa Riders. Sa bawat hiyaw at padyak ng mga manonood, dumagundong ang venue sa tindi ng lakas ng cheer sa dalawang koponan. Sa 32 seconds na natitirang oras, isa na lang ang naging lamang ng Riders ngunit dahil sa pagbigay ng dalawang puntos ni Jersey Number 4 Diaz ay naging 3 puntos ang naging lamang.

Sa huli, wagi ang Wesleyan Riders sa score na 88-85 at naging Best Player of the game si Jeoffrey G. Tadeo Jersey Number 12 na may 27 points, 7 rebounds, 2assists, at 1 block.

Ulat ni Shane Tolentino