Provincial Jail Warden Enrico Campos, patay sa pananambang

Patay sa pananambang si Provincial Jail Warden Enrico Campos matapos itong barilin ng kalibre 45 gawing alas syete i-medya  ng gabi sa kahabaan ng highway ng Mayapyap Sa Cabanatuan City malapit sa ReiSha Resort  habang ito ay pauwi na sa kanyang tahanan sakay sa kanyang  motor.

Dalawang tama umano sa dibdib ang naging sanhi ng kamatayan ni Campos na agad isinugod sa Premiere Medical Center at idineklarang dead on arrival si Campos.

Agad ding dumating sina Former Councilor Jess Dias at Raoul Esteban upang alalayan ang mga naiwan ni Warden Campos.

Puno ng hinanakit ang buong pamilya ni Campos, at ayon sa  nagdala kay Campos sa ospital ay wala pa umanong lumulutang na nakasaksi sa mga pangyayari.

Noong June ay nakausap pa ng TV 48 si Warden Campos upang kanyang ipakita ang mga proyektong dapat sanay makikita nitong matapos sa mga susunod na buwan.

Sa ngayon ay patuloy ang paggalaw ng mga awtoridad upang mabigyan ng hustisya si Provincial Warden Enrico Campos.- Ulat ni Amber Salazar