Libreng test sa baga, sinimulan na ng Premiere Medical Center

Bilang selebrasyon ng Lung Month sa pakikipagtulungan ng Provincial Government at ng Premiere Medical Center, isinagawa ang Toda lungs nitong Sabado, August 9 kung saan ang mga tricycle driver ay maaaring magtungo sa Premiere Medical Center tuwing Sabado alas nuebe hanggang alas dose ng tanghali para sa libreng test para sa baga.

Dito ay hindi lamang libreng test ang ibinibigay kundi ipinapaliwanag din ang mga masasamang dulot ng paninigarilyo sa katawan ng tao.

Buong puso ang pagbibigay ng tulong na ito na bukas sa lahat ng tricycle drivers at toda na nagnanais malaman ang kalagayan ng kanilang baga. Ito ay isang malaking hakbang kung saan maaaring malaman ng isang tricycle driver kung mayroon siyang sakit sa baga.

Sa August 16 , 23  at 30 ay patuloy pa rin ang libreng Lung Test para sa mga tricycle driver. – Ulat ni Amber Salazar