Latest Model ng Foton, ipinakilala na sa mga Novo Ecijanos

Malaki ang potensyal ng mga Novo Ecijano na magkaroon ng matibay at mas matipid na modelo ng sasakayan dahil mas pinabilis na ang transaksyon sa pagbili ng mga bagong labas na sasakyan ng Foton Motor Philippines sa Nueva Ecija.

Ipinakilala kamakailan ng Foton Sta. Rosa ang View Traveller at Thunder Ironman Series na ginanap sa Main Atrium N.E. Pacific Mall, Cabanatuan City.

Pampamilya at kayang-kaya hanggang 18 katao ang maaaring sumakay sa View Traveller.

 

Ayon sa Presidente ng Central Luzon Prime Mover Incorporated, Vincent Licup,  ipinagmamalaki nila ang Cummins Engine joint venture ng Foton mula sa America.

Ang View Traveller ay isang van na abot kaya ang presyo at masasabing mas matibay, mas maaasahan at mas matipid sa gasolina dahil sa Cummins Engine kung ikukumpara sa ibang uri ng mga sasakyan.

Samantala, isa rin sa kanilang mga bagong produkto na ipinakilala ay ang ang  Thunder Ironman 4×2 and 4×4 Pick-up na maaaring gamitin sa mga matatarik at mabubundok na lugar.

Ayon kay Rommel Beltran Sales Manager ng Foton Central Luzon, hindi lamang pangbarako ang Thunder kundi maaari ring gamitin ng mga kababaihan.

Siniguro naman ni President Licup sa Nueva Ecija Foton fans na kapag bumili ng alinman sa kanilang produkto, asahan na dadamayan sila kung sakaling masisira ang kanilang sasakyan.

Bukod sa pagpapakilala ng latest model ng Foton ngayong taon, good news pa rin ang hatid ng Foton Motor Philippines sa mga Novo Ecijano dahil magkakaroon ng sariling planta ng pagawaan ng sasakyan sa Manila.

Ang View Traveller 15-seater van ay nagkakahalaga ng 1.3 million samantala ang Thunder 4×2 and 4×4 ay may halagang 700,000- 900,000 pesos.