Ika-7th anniversary ng presidente ng NEUST, ginunita

Magarbong selebrasyon ang ibinigay ng pamunuan ng NEUST  o Nueva Ecija University of Science and Technology  kay President Hillario C. Ortiz  sa paggunita nito sa ika-pitong anibersaryo  bilang presidente ng nasabing unibersidad.

Daan daang mag-aaral kabilang na ang mga guro na dumalo at nagbigay pugay sa nasabing selebrasyon.

Ang ulat ng pangulo ay may temang “Honoring the past. Inspiring the future” kung saan nagbalik-tanaw ang pangulo sa lahat ng mga pinagdaan ng kanilang unibersidad.

Isa na dito ang matinding unos na naranasan ng NEUST Sumacab Campus noong October 11, 2013 ng dumating ang bagyong Santi na lubos na ikinasira ng kanilang mga imprastraktura tulad na lamang ng Administration Building ,College of Achitecture, Motorpool and Foodcourt, Criminology Building, Gymnasium  at mga Pathways.

Aminado ang pangulo na lubos siyang pinanghinaan ng loob ng makita ang mga iniwang pinsala ng bagyo.

Subalit dahil na din sa sama-samang paggawa at pagtutulungan ay muling nabuo at nailagay sa ayos ang lahat ng nasira sa loob lamang ng pitongpu’t walong araw.

Itinampok din sa programa ang “Dr. Hillario C. Ortiz Empowered Special Student Award” na inilunsad noong taong 2010 upang matulungan ang may mga kapansanan na makapagtapos ng kanilang pag-aaral.

Ngayong taong 2014 ay tinanggap ni Aquilino Claveron Jr., first year I.T student ang “HCO Empowered Special Student Award” kung saan siya ay may libreng scholarship hanggang makatapos ng kanyang pag aaral.

At sa darating pa na labingdalawang buwan ay muli pang magpapatayo  si Ortiz  ng mga imprastraktura sa iba pang sangay ng NEUST para na din sa maayos na pag-aaral ng mga mag-aaral.  – Ulat ni Joyce Fuentes