Dating 3rd District Board Member Na Si Jose “Jo” Del Mundo, pumanaw na

Pumanaw na si dating 3rd District Board Member Jose “Jo” Del Mundo Jr. noong nakaraang lingo August 10 2014 dahil sa sakit na diabetes sa edad na animnapu’t walo.

Taong 1972 nang magsilbi  si Jose bilang pulis sa lungsod ng Cabanatuan at matapos nito taong 1992 naman nang pasukin niya ang larangan ng pulitika bilang konsehal na tumagal ng dalawang termino .

Ayon sa asawa ng dating bokal na si Amelia Del Mundo, na dati ring nagsilbi sa kapitolyo bilang Administrative Officer IV ay taong 2010 nang madiagnose ng doctor na may sakit na diabetes si Jose at mula noon pabalik-balik na ito sa ospital upang magpagamot.

Dahil na rin sa sakit, sari-saring komplikasyon na ang naidulot nito sa katawan ng dating Board Member na nauwi na nga sa kamatayan nito.

Dagdag pa ni Aling Amelia, isang mabuting tao ang kanyang asawa lalo na nga at naging public servant ito.

Kwento rin ni Aling Amelia, naging mabuting asawa at ama ng dating bokal sa lima nilang mga anak.

Bagaman malungkot ang pamilya Del Mundo dahil sa pagpakawala ng padre de pamilya, sa kabila nito, patuloy ang kanilang panalangin at pag-asang nasa mabuting kalagayan na ang pinakamamahal nilang haligi ng kanilang tahanan.

Nakatakdang ihatid sa huling hantungan ang mga labi ng dating bokal sa Huwebes August 14, 2014 sa ganap na alas-7:30 ng umaga sa Eternal Garden sa lungsod ng Cabanatuan.- Ulat ni Mary Joy Perez