Bagong halal na ESC sa LMHMS, nanumpa

Isa ang paaralan sa humuhubog sa kalinangan ng kabataan upang maging wasto at mahusay na lider sa ating lipunan.

Magandang halimbawa nito ang naganap na ESC o Elementary Students Council Oath Taking Ceremony 2014 sa LMHMC o Little Merry’s Heart Montessori Center.

Pormal na nanumpa ang labingwalong miyembro ng ESC S.Y. 2014 sa pangunguna ng bagong halal na Governor ng nasabing paaralan na si Lyssa Laurelle De Guzman at ang kanyang Vice Governor Elyssa Ckarylle Santiago.

Ayon kay President and Administrator Jude Jason Elequin ang tunay na goal ng pagiging isang ESC ay upang makatulong sa kanilang kapwa mag-aaral.

Sa unang pagkakataon ni De Guzman na magsasalita bilang bagong upong Governor ng LMHMC ay inilatag na nito ang kanyang mga programa at mga plano para sa paaralan at higit sa lahat para sa kapakanan ng lahat ng Elementary Students.

Ayon kay Kevin Lao, ESC Adviser, ang mga nakalaan na programa na binanggit at ipapatupad ng bagong Governor ay talaga namang lubos na makakatulong para sa lahat.

Sinabi ni De Guzman na masaya siya sa kanyang pagkapanalo dahil na din sa kagustuhan niya na makatulong sa kanyang kapwa estudyante.

Dagdag ni De Guzman na upang matutunan nila ang kanilang mga responsibilidad bilang student council ay isa sa kanilang plano ay magtungo at bumisita sa opisina ng ama ng ating lalawigan Governor Oyie Umali.

Samantala, proud na proud ang mga magulang sa pagkapanalo ng kanilang mga anak kung saan ibinigay nila ang kanilang todong suporta.

Sobrang mapalad naman ang naramdaman ni Elyssa Ckarylle Santiago sa kanyang pagkapanalo bilang Vice Governor ng ESC. – Ulat ni Joyce Fuentes