Kakaibang pakulo sa games, pinapauso ng NEUST-San Isidro Campus

Usong-uso ngayon ang iba’t-ibang klase ng games na maaaring i-download sa mga mobile phones; isa na nga rito ang flappy bird na talaga naming kinabaliwan ng lahat.

Dahil dito ay gumawa ng kakaibang pakulo ang mga estudyante ng NEUST O Nueva Ecija University of Science and Technology-San Isidro Campus kung saan gumawa sila ng isang games hango sa larong flappy bird.

Imbes na flappy bird o ibon ang iyong itatap upang lumipad at tumawid sa mga pipes ay pwedeng pwede na ang mukha mo mismo ang ilagay at ikontrol upang tumawid sa mga poste.

Ang ideya nito ay mula kay Mark Aldrin Reyes na 4th year I.T student. Ayon sa kanya, nilikha niya ang game na ito dahil na din sa panghahamon ng kanyang classmate na si Jeff na ilagay ang ang kanyang mukha.

Kaya naman ikinatuwa ng kanyang mga kaklase nang magawa ni Mark Aldrin ang laro na ito na mukha mismo ni Jeff ang nakalagay. Sadya nga naman ang mga Pilipino ay malikhain at hindi magpapahuli sa lahat ng larangan mapa game video development pa. –Ulat  ni Joyce Fuentes