Grand Opening ng Breadfun, Picknic at Guzzle, masayang naidaos

Naging maingay at masaya ang selebrasyon sa grand opening ng Breadfun, Guzzle at Picknic sa Kapt. Pepe, Cabanatuan City kamakailan.

Sinimulan sa parada ang nasabing event na umikot sa Cabanatuan Supermarket, Old Capitol hanggang sa Bry. Bitas. Sari-saring pakulo ang inihanda ng mga nasabing tindahan sa kanilang mga masusugid at loyal customers.

Ilan sa mga best sellers ng mga tindahang ito ang mocha java jelly, cakes, cappuccino at marami pang iba na talaga namang tunay na katakam-takam. Marami ring bagong produkto ang BreadFun, Picknic at Guzzle na tiyak raw ay magugustuhan ng lahat.

Sa pagbubukas nga nito, isang maayos at magandang serbisyo ang pangako nila upang ang kanilang mga mamimili ay masiyahan at balik-balikan ang kanilang mga produkto.

Makakaasa umano ang lahat ng mga mamimili ng nasabing mga tindahan na pag-iibayuhin nila ang taas ng kalidad ng kanilang mga serbisyo para lamang sa kanilang matatapat at beloved customers.

Samantala, tatagal hanggang isang buwan ang mga promos and discounts ng mga nasabing tindahan.—Ulat Ni Mary Joy Perez