Forum sa NEHS, may temang “Lung Disease Prevention And Smoking Cessation”

Dagdag kaalaman para sa mga mag-aaral ng NEHS o Nueva Ecija High School ang isinagawang forum na may temang “Lung Disease Prevention and Smoking Cessation” kamakailan.

Ang programang ito ay kaugnay ng pagdiriwang ng National Lung Month Program.

Sa pakikiisa at pakikipagtulungan ng Provincial Government at Premiere Medical Center ay isinagawa ang nasabing programa.

Nagbigay ng mahahalagang impormasyon ang mga doktor ng Premiere Medical Center na sina Dra. Kathleen Castillo, Dra. Rose Ragasa, Dr. Aries Gustillo tungkol sa masamang dulot ng sigarilyo at kung paano ito maiiwasan.

Ayon kay Dr. Aries Gustillo, Pulmonologist ng Premiere Medical Center dahil na din sa pag kakaroon nila ng Cancer Institution ay advocacy nila na labanan ang cancer partikular na ang Lung Cancer na pangunahing nakukuha sa paninigarilyo.

Maraming estudyante ang dumulo at nakinig partikular na dito ang mga mag-aaral ng grade 9 at 4th year students.Ayon kay Onarato Perez III,  4th year student ay marami syang natutunan sanasabing forum.

Tinalakay sa nasabing programa ang mga sakit na nakukuha sa paghitit ng sigarilyo tulad ng COPD o Chronic Obstructive Pulmonary Disease, TB o Tuberculosis at Lung Cancer.

90 % ang bilang ng mga naninigarilyo na wala pa sa wastong gulang o bago pa man tumuntong ng dalawamput-isang taong gulang.

Kaya naman ang layunin ng isinagawang programa ay upang maiiwas ang mga kabataan sa paggamit o pagsubok ng sigarilyo. Sapagkat ang paninigarilyo ay nagsisimula sa kuryusidad ng mga kabataan.

Kaugnay ng isinagawang forum ay nagkaroon din ng poster making contest na may temang Healthy Lungs, kung saan naglaban-laban ang ilang mga piling estudyante.- ulat ni Joyce Fuentes