Advocacy caravan ng DOH at PhilNOS, nilibot sa North Luzon

“I’m a Lifeline and Proud to be a Lifeline.” Yan ang sigaw ng Deparment of Health (DOH) at Philippine Network for Organ Sharing (PhilNOS).

Nanguna ang DOH at PhilNOS sa isinagawang Advocacy Caravan sa Premier Medical Center kamakailan sa lungsod ng Cabanatuan na dinaluhan ng ilang Nephrologist  at Nurses sa nasabing ospital at ilang pasyente ng mga ito.

Sa loob ng sampung araw, inikot ng PhilNOS ang buong North Luzon upang mangalap  ng mga possible organ donors o mga nagnanais makatulong sa mga pasyenteng nangangailangan ng mga organ transplant tulad ng liver at kidney.

Ayon sa PhilNOS, sa kasalukuyan mahigit 23, 000 ang mga pasyenteng nangangailangan ng kidney transplant sa bansa.

Target umano nila na kahit kalahati man lang dito ay mabigyan o mapagkalooban ng kidney transplant.

Dagdag pa ng PhilNOS, hindi pa man nila naaabot ang kanilang layuning maipaliwanag sa buong bansa ang kahalagahan ng pagiging isang oragan donor ay matagumpay na maituturing ang kanilang programa dahil nito lamang nakaraang Marso ng taong kasalukuyan ay napasama ang Pilipinas sa Guinness Book of Records matapos nitong masungkit ang most organ donation pledges sa  loob ng  isang oras na umabot sa 3,540 na isinagawa ng mga estudyante ng PUP o Polytechnic University of the Philippines.

Tinalo ng Pilipinas ang bansang India na nakapagtala ng 2,755 organ donation pledges sa loob rin ng isang oras.

Kaya, ang marami rin sa mga dumalo sa nasabing caravan ay nagparegister na bilang isang organ donor kabilang ang ilang mga doctor, nurses at ilang pasyenteng naroon.

Samantala, sa mga nagnanais maging organ donor ay maaari kayong tumawag sa mga numerong 927-7314 o mag e-mail sa philnos.doh@gmail.com.- Ulat ni Mary Joy Perez