347 M katao, nagtataglay ng sakit na diabetes – WHO

Inaasahang magiging pang pito ang Diabetes sa mga nagungunang sanhi ng kamatayan sa taong 2030. Sa tala ng WHO o World Health Organization, 347 milyong katao na ang nagtataglay ng sakit na ito sa buong mundo.

Nitong nakaraang linggo ay isang Novo Ecijano ang iginupo ng sakit na Diabetes.

Inihatid na sa huling hantungan si Gener Mendoza, isang Clerk of Court ng Municipal Trial Court at mahigit sa dalawampung taon nang nakipaglaban sa sakit na ito.

Dulot ng Diabetes, nag kakomplikasyon siya sa kanyang Kidney at nagkaroon ng Lung Cancer na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Sa aming panayam kay Ginang Florida Mendoza, may bahay ni Gener. Ka muntikan pang mabulag ang kanyang asawa dahil sa sakit nito.

Ang mga Diabetic ay kinukulang sa kontrol sa blood sugar na maaaring mauwi sa malubhang kumplikasyon gaya ng pagkapinsala ng mga ugat, bato at pagkabulag. Sa buong mundo, ang mga namamatay sa naturang sakit ay umaabot sa 4.8 milyon bawat taon.

Ang sakit ay isa sa lamang sa  malulubhang kondisyon ­ ngayon, kasama ang Cancer, Cardiovascular at Respiratory Diseases ­ na nais isama ng health care campaigners sa susunod na set ng Global Development Goals, na papalit sa outgoing Millennium Developments Goals sa taong 2015.

-ulat ni Danira Gabriel