Isang ambulansiya, inihandog ni Congresswoman Cherry Umali sa Brgy. Abar 1st, San Jose City

Tinanggap kamakailan ng kapitan ng Barangay Abar 1st na siKapitan Librado D. Dulay ang susi ng ambulansiya na bigay ni Congresswoman Cherry Umali. Sa pamamagitan ng ina ng lalawigan, natupad ang matagal ng pinakahihintay ng Barangay Abar 1st na magkaroon ng isang ambulansiya na magagamit sa paghatid ng mga pasyente sa pagamutan. Ayon kay Barangay Captain Librado D. Dulay, malaking karangalan mismo para sa mga residente ng nasabing barangay na mapagkalooban ng behikulong pangmedikal na maaaring mapakinabangan hindi lamang sa kanilang barangay kundi sa buong mamamayan ng lungsod ng San Jose. Nangunguna sa mga proyekto ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Aurelio “Oyie” Matias Umali ang pamimigay ng ambulansiya upang palakasin ang serbisyong pangkalusugan sa mga munisipyo at lungsod ng lalawigan. Sa Turn-over Ceremony, ipinahayag ng punong-Lungsod ng San Jose na si Mayor Marivic V. Belena na mayroong siyam na ambulansiya ang nasabing lungsod subalit dalawa sa mga ito ay hindi na maaari pang lumayo. Pasasalamat ang hatid ni Kapitan Dulay at Mayor sa malaking tulong ng bagong ambulansya sa kanilang Lungsod, lalung lalo na sa pagligtas ng buhay. – Ulat ni Shane Tolentino