Flu pandemic na H1N1, kinatatakutan sa buong mundo

Isa sa dominanteng uri ng virus ngayon na binabantayan sa buong mundo. Ang virus na kumitil sa buhay ng labing walong libong katao mula 2009 hanggang ngayon.

Ang kinatatakutang 2009 flu  pandemic o H1N1.

Ang mga killer virus  ay hindi nawawala sa mga pinaka binabantayan ng mga eksperto at ng Center for Disease Control and Prevention dahil sa bangis na dala nito.

Ilang mga killer virus na ang kumitil sa libo libong mga tao sa loob lamang ng ilang taon.

Isa na jan ang H1N1 virus o kilala rin bilang Swine Flu na kinilala bilang pandemic o isang uri ng sakit na kumalat na ibang parte ng mundo.

Ang killer virus na H1N1 ay combinasyon ng Swine flu, Bird flu, Human flu at Eurasian pig flu , ang kombinasyon na ito ng mga uri ng trangkaso galing sa tao at hayop  ay pumatay na ng higit labing walong libong tao sa buong mundo sa loob lamang ng limang taon.

Ang Influenza o trangkaso  ay hindi dapat bina bale wala.taon taon ay lima hanggang labing limang porsyento ng populasyon ng buong mundo ang dinadapuan ng trangkaso. Hindi man ito masyadong delikado para sa ilan ang epidemyang  ito ay malalang nakaka apekto sa tatlo hanggang sa limang milyong mga tao at pumapatay ng dalawang daan at limampu hanggang sa limang daang libong katao sa buong mundo sa loob lamang ng isang taon o mahigit isang libong katao sa loob lamang ng isang araw.

 

Ang H1N1 virus  na isang uri ng Flu virus  ay kumakalat ngayon sa buong mundo. Ang H1N1 ay kumakalat ngayon sa Estados Unidos ito ay ayon mismo sa Center for Disease Control and prevention na inatasan ng Estados Unidos na bantayan ang mga killer virus na kumakalat sa buong mundo. Dahil ang H1N1 ay nakaka hawa sa pagkain ng hindi maayos na pag kaka lutong swine o baboy at human to human contact  madali itong maka hawa sa ibang mga tao.

Sa una  ay nagpapakita ng mga sintomas ng common flu o trangkaso ang H1N1 katulad ng

Sakit ng katawan

Chills

Pag ubo

Pagka hapo

Lagnat

Sakit ng ulo

Kawalan ng gana sa pagkain

At sore throat

Sa malalang kaso ng H1N1 nauuwi ang trangkaso sa pneumonia at respiratory failure  na nagiging sanhi ng kamatayan ng mga dadapuan ng H1N1.

Kahit ang bansang pilipinas ay hindi nakaligtas sa bangis ng H1N1 kung saan sa iba’t ibang parte ng bansa ay naapektuhan ng nakamamatay na virus na ito.

June 13 2009 ay naitala ang total na kumpirmadong kaso ng A(H1N1) na isang sub type o uri ng H1N1 virus na pumasok sa bansa umabot sa 2,668 ang kaso nito kung saan tatlo ang kumpirmadong patay.

May 21 2009 napasok ng H1N1 virus ang bansang Pilipinas. Ilang araw lang ang nakakaraan ay naitala na ang unang H1N1 cause death sa loob ng bansa.

Kahit ang Nueva Ecija mismo  ay dinapuan ng AH1N1  noong june 29 2014. Dahil sa agarang pag responde sa problema ng provincial health office at provincial government sa pangunguna ni Governor Aurelio Matias Umali  ay napigilan ang delubyo sanang hatid nito sa ating lalawigan. Agarang pinatawag ni Governor Oyie ang lokal na pamahalaan ng Jaen, Provincial Health Office na tinulungan din ng National Government upang agarang masugpo ang H1N1 outbreak sa lalawigan.

Sa Jaen Nueva Ecija nagkaroon ng mga kaso ng AH1N1 sa ating lalawigan  agad na quarantine ang mga hinihinalang may AH1N1 tao man o hayop. Dahil dito sa loob ng dalawang linggo lamang ay naging H1N1 free muli ang Nueva Ecija.

Sa ngayon ay maaari nang maiwasan at pigilan ang H1N1 virus sa simpleng pag papasaksak ng flu vaccine . Ang killer virus  H1N1 ay isa lamang sa hindi mabilang na dami ng killer virus sa buong mundo.

Ito ang balitang unang sigaw

Killer virus