189 na katao, patay dahil sa kumakalat na MERS-COV killer virus

Isa sa pinaka mabagsik  na sakit na maaring dumapo sa isang tao na kumitil na sa buhay ng isang daan at walumput syam na katao kabilang na ang isang pinay. Yan ang killer virus Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus o mas kilala bilang MERS –CoV. Sa isang daan at limampu’t isang kaso ng MERS -CoV ay tatlumpung porsyento na nito ang pinapatay ng killer virus na ito. Unang natuklasan ang MERS-CoV sa Saudi Arabia noong September 2012 naalarma ang Middle East ng may maitalang namatay dahil sa sakit na ito dalawang buwan pagkatapos itong matuklasan. Kilala din ang MERS-CoV bilang Saudi SARS dahil sa kaparehong mga sintomas nito sa SARS. Nakita rin sa mga Camel ang virus na ito at sa dumi ng African Bats kaya naman hinihinalang dito nag mula ang MERS-CoV virus ilan sa mga nakamamatay na virus sa buong mundo ay galing sa mga hayop na carrier ng sakit na ito at kapag napasa sa tao ay nagiging sanhi ito ng kakaibang uri ng sakit na nagiging sanhi ng nakapangingilabot na kamatayan. Katulad ng Ebola Virus Bubonic Plague At SARS Ang MERS ay isang nakamamatay na sakit  na walang lunas at gamot ang kaya lamang ng mga eksperto sa ngayon ay palakasin ang mga pasyenteng dinapuan nito kung saan nasa kakayahan na ng kalusugan ng pasyente kung sya ay makaka ligtas o daragdag sya sa bilang ng binawian ng buhay dahil sa MERS Virus. Sa patuloy na pag hahanap ng lunas ng Centers for Disease Control and Prevention ay wala paring vaccine na tuluyang makapag papagaling ng mga taong dadapuan ng MERS. Kaya naman agad kina-quarantine ang mga taong infected ng sakit na ito. Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention ang mga taong may mahinang immune system at mga taong may sakit ang pinaka madaling dapuan ng MERS. Pinaka malapit sa MERS-CoV ang mga social worker at mga health care personnel. Kaya naman binabantayan din ang mga OFW na nag tatrabaho sa mga lugar na infected ng MERS-CoV. Ang close contact o pag lapit sa mga taong infected ng MERS Virus ay nagiging dahilan  upang makahawa ang infected nito. Isang pinay na ang naging biktima ng killer virus na ito . Isang pinay na nag tatrabaho sa UAE ang dinapuan at namatay ng dahil sa MERS na ani ng mga kasama nito ay nakuha sa pag aalaga ng isang pinay na dinapuan din ng MERS. kumakalat na sa iba’t ibang bansa ang MERS-CoV. May mga naitala nang kaso at kumakalat na ito sa bansang

  • Saudi Arabia
  • United Arab Emirates (UAE)
  • Qatar
  • Oman
  • Jordan
  • Kuwait
  • Yemen
  • Lebanon

Dahil sa pag bisita sa mga lugar infected na lugar ay nagkaroon na din ng kaso ng mers cov ang bansang

  • United Kingdom (UK)
  • France
  • Tunisia
  • Italy
  • Malaysia
  • Greece
  • Egypt
  • United States of America (USA)
  • Netherlands

At nagkaroon na din ng kaso ang bansang Pilipinas gayunpaman ay napigilan an pag kalat nito  kaya naman itinuturing pa ring MERS-Cov free ang bansang Pilipinas. Sa ngayon ay wala pa ring travel ban sa mga lugar na apektado nito at pina-aalalahanan lamang ang mga tao na mag hugas ng kamay at wag lumapit sa mga taong may sakit. Payo rin ng CDC na ugaliing mag hugas ng kamay. Wag maki inom o gumamit ng mga personal na gamit at pagkain. Wag hahawakan ang mata, bibig at ilong habang hindi pa nakakapag hugas ng kamay. Ugaliing linisin at I disinfect ang mga gamit katulad ng door knobs, Mga laruan at mga gamit sa bahay na madalas hawakan. Katulad ng SARS ito ay nag papakita ng sintomas ng Trangkaso Pananakit ng katawan Hirap sa pag hinga At ubo.   Gayon paman ito ay mabilis na lumulubha at nagpapakita ng mas malalang sintomas katulad ng Pagkahilo Pag susuka At tuluyan nang nauuwi sa Kidney failure At atake sa puso na nagiging sanhi ng kamatayan ng mga nadadapuan ng sakit na ito. Matindi naman ang pag babantay ng bansang Pilipinas sa mga OFW at mga turistang nanggagaling sa iba’t ibang bansa na may kaso ng MERS-CoV. Balak ng bansang Pilipinas na i-monitor ang taas ng temperatura ng mga taong pumapasok sa ating bansa. Dahil sa ang unang sintomas nito ay lagnat o mataas na temperatura. Gayunpaman tumatagal ng labing apat na araw bago lumabas ang sintomas ng MERS-CoV kaya may posibilidad na makapasok na sa loob ng bansa ang infected nito bago pa man lumabas ang mga sintomas ng MERS. Sa ngayon ay hindi pa rin tumitigal ang mga eksperto sa pag hanap ng lunas sa MERS upang matigil na ang pag kalat nito. Isa lamang ang MERS-CoV sa nakakamatay na uri ng virus sa mundo. Pero ano nga ba ang iba pang mga virus na kumalat sa buong mundo. Ang Ebola virus, isa sa pinaka mabagsik na uri ng virus na kumitil sa buhay ng napaka raming mga tao sa buong mundo at hanggang ngayon ay kumakalat pa rin ang virus na may 90 to 100% kill rate, Gaano nga ba ka lupit ang virus na ito? Ang kinatatakutang virus ng buong mundo ngayon ang ating tatalakayin  bukas. Sa  Balitang Unang Sigaw Killer Virus