Philip “Dobol P” Piccio

Sinimulan ni Philip Piccio ang “Dobol P” bilang programa sa radyo (DWNE 900) noong 2007, at sa kalaunan ay nag-ere sa telebisyon bilang TV-48 sa pagpasok ng 2011. Bilang pagpapalawig ni “Dobol P” sa kanyang adbokasyang maging pangunahing boses ng mga Cabanatuenos, pinasok na rin ng network program ang Internet sa pamamagitan ng www.dobolp.com, kung saan siya ang kasalukuyang Editor.

sir philip

Unang nakilala si Dobol P bilang pangunahing organisador ng Parents Enabling Parents (PEP) noong 2005 nang isawalat niya at ng ilan pang mga magulang ang bogus na educational plan ng Pacific Plans na pag-aari ng Yuchengco Group of Companies. Dahil dito ay naisabatas ang Pre-Need Code of the Philippines na layong protektahan ang consumer rights ng bawat Pinoy. Taong 2007 nang ilantad naman niya ang mga katiwalian ng multi-level networking company na Legacy Group at ipakulong ang pinuno nitong si Celso de los Angeles.

Latest Works: Click to display latest works by author