SSS members, may 5-percent pension hike

Asahan na ng mga aktibong pensioners ng SSS o Social Security System ang 5% pension increase para sa retirement, death at disability na dagdag benepisyo sa kanilang bank account o pension checks.

Ayon kay Primitivo Verania, Branch Manager ng SSS Cabanatuan, ito ay nagsimula nitong nakaraang Hunyo ngunit para sa mga nakakuha na ng advance pension para sa mga buwan ng Hunyo at Hulyo. Makukuha nila ang dagdag benepisyo sa susunod na buwan ng Agosto.

Bago ka maging pensioner ng SSS, kinakailangan mo munang makapag hulog ng 120 contributions at ikaw ay nasa edad Sisenta pataas.

Bukod dito, mayroon din silang karagdagang benepisyo para sa work related accidents. Kung saan doble na ang ibibigay nila, sa mga sakop ng EC o Employment Compensation benefits.

Inaasahang sa darating na buwan ng Setyembre na ito ipatutupad. Ulat ni Danira Gabriel