Gov. Oyie Umali, bagong chairman ng RPOC

Hinirang  bilang bagong Chairman ng Regional Peace and Order Council  ang ama ng lalawigan ng Nueva Ecija na si  Governor Aurelio “Oyie” Matias Umali  sa ginanap na Provincial Peace and Order Council Meeting sa Amphitheater, Old Capitol Bldg., Cabanatuan City kamakailan.

Iginawad ni DILG o Department of Interior and Local Government Regional Director Florida Dijan ang bagong tungkulin na inatas kay Governor Oyie.

Bagamat kalakip nito ang mabigat na tungkulin ay bukas kamay itong tinanggap ng ating butihing Gobernador.

Dinaluhan ito ng mga kawani ng iba’t ibang departamento na myembro din ng Peace and Order Council tulad ng PNP O Philippine National Police, AFP O Armed Forces Of The Philippines, PDEA O Philippine Drug Enforcement Agency, DOH O Department Of Health at ng iba pang mga ahensya.

Tinalakay din sa nasabing pagpupulong ang mga ginawang hakbang ng ilang departamento ng Provincial Government upang maging mapayapa ang ating lalawigan sa pamamagitan ng isang presentation na inihanda ng PNP, AFP, PDEA, DOJ at DILG ay nilahad nila ang kanilang mga naikasatuparan.

At sa huli ay nagbitaw ng isang mensahe si Governor Oyie para sa lahat.- Ulat ni Joyce Fuentes