Mutya ng Pilipinas 2014, isinagawa sa Nueva Ecija

August 2, 2014 —  Kinatuwa ng mga Novo Ecijano nang ganapin sa Convention Center Playan City nitong Sabado, ika-2 ng Agosto, ika-lima ng hapon, ang Evening Gown Competition ng Mutya Ng Pilipinas 2014.

Biyernes, August 1, nang dumating sa Nueva Ecija any kandidato ng Mutya na mula sa iba’t ibang lalawigan ng bansa. Siyam sa mga kandidata ay galing sa ibang bansa kabilang ang Canada, Australia, Italy, Germany at USA.

May motorcade rin na nakahanda sa mga kandidata upang iparada ang kagandahan at courtesy call kung saan maaaring makapanayam ang ama ng lalawigan Governor Aurelio “Oyie” Matias Umali sa nasabing araw na gaganapnin sa Old Capitol Compuond, Cabanatuan City sa ganap na alas nuebe ng umaga.

4_s-194x300Sa tatlumpung kandidata, ipinagmamalaki ang pambatong Nueva Ecija, tubong Abar 2nd San Jose City na si Ma. Jackielyn Dulay, Candidate number 4. 19 na taong gulang, isang Veterenary Medicine ang kursong kinukuha ni Jackie mula sa Central Luzon State University (CLSU) sa Science City Muñoz.

Dalawang special awards na ang nakakamit ng Novo Ecijana simula ng maipakilala na kabilang sa 30 kandidata. Kabilang sa mga awards ay ang“Mutya ng Hotel H2O” at “Mutya ng Fisher Department Store.”

Apat na araw ang itatagal ng mga kandidata sa Nueva Ecija upang gawin ang ilang photo shoots na isasagawa sa Barangay Aulo, Palayan City at pagkatapos ay didiretso sa Gabaldon Dupinga River at Gabaldon NEUST Eco-Park sa ika-tatlo ng Agosto.

Tatlo ang kokoronahan sa tatlumpung kandidata sa Grand Coronation Night at may pag-asang makamit ang Mutya Ng Pilipinas Asia Pacific International, Mutya Ng Pilipinas Tourism International, at Mutya Ng Pilipinas Overseas Communities na magaganap sa August 8, 2014 sa Solaire Resort and Casino sa Pasig City.-Ulat ni Shane Tolentino