Ikatlong Bahagi: Unang Sigaw ng Nuweba Esiha, 2 Setyembre 1896

Sanaysay ni Milena Bautista-Picart. Ang ilang bahagi nito ay mula sa manuskripto ng yumaong si Prof. Leopoldo Serrano na inilathala ni Jonathan B. Briones at pinamagatang Araw ng Nueva Ecija, Setyembre 2, 1998. Gayundin sa inilathalang librong The History of San Isidro, Told and Retold sa panulat ni Dean Leonila C. Gonzales

Part 1 | Part 2 | Part 3 | Part 4

Bukod sa mga ruins at bahay pamahalaan noon na minsang namayagpag sa bayan ng San Isidro, isa rin sa mga naitatag ang paaralang Wright Institute noong 1903-1905 sa lupang alay nina Crispulo Sideco at Eufemio Policarpio at ang ginugol naman sa pagtatayo nito ay ang mga donasyon at abuloy na inalay nina Epifanio delos Santos at Florencio Miranda.

Ang Wright Institute ay isa sa mga kauna-unahang pampublikong mataas na paaralan sa buong bansa kung saan ay mga Amerikanong guro ang mga unang  nagturo dito.

Nawala na ang pagiging kapital nang San Isidro nang mailipat ang kapitolyo ng lalawigan sa Cabanatuan noong 1912. Ngunit kahit wala na dito ang provincial capitol patuloy pa rin ang operasyon ng Wright Institute sa bayan ng San Isidro at ang pagdayo pa mga mag-aaral na  mula pa sa ibat-ibang panig ng probinsya upang mag-aral ng high school.

Hanggan
g noong 1927 ay nakuha na rin sa bayan ng San Isidro ang Wright Institute at naging Nueva Ecija High School na inilipat sa Cabanatuan.

Ang gusali ng Wright Institute noon, na ngayon ay San Isidro Central School, ay nagsisilbi pa ring pakinabang sa mga mag-aaral ng paaralan na ito. Sa paglisan ng tagumpay na minsang inangkin ng bayan ay unti-unti nang naparam at ang natitira na lamang ay ang mga alaala ng makulay nitong nakaraan.

1

Blood Compact ng mga Katipunero

Dahil sa pagkamuhi sa pagmamalabis ng mga Kastila, itinatag ni Gat Andres Bonifacio at mga kasamahang magigiting na mamamayan ang KKK o Kataas-taasang, Kagalang-galangan, Katipunan ng mga Anak ng Bayan.
Taong 1896 nang sumiklab ang rebolusyon sa pangunguna ng mga lider ng Katipunan. Ang kanilang layunin ay lupigin ang rehimeng Kastila na sumakop sa kapuluan ng mahigit tatlong daang taon. Nakarating sa Nueva Ecija ang kilusan, palihim ang naganap na pagsapi ng mga myembro ng Katipunan. At dahil sa umusbong na galit, namuong puot at sa maraming pagpapahirap lalo na sa monopolyo ng tabako sa mga mamamayan. Madaling naitatag ang KKK sa lalawigan ng Nueva Ecija.
Ilan sa mga unang umanib ay sina Mariano Llanera, Mamerto Natividad, Pantaleon Valmonte,
Marcos Ventus, Epifanio Ramos, Domingo Cecilio at marami pang iba.

Sa bayan ng Cabiao, tanghali ika-2 ng Setyembre 1896 dumapikal ang hampas ng kampana ng simbahan ng Cabiao. Badya ng nagbabantang pagluluksa, tinipon ng kampanang ito ang mga katipunero sa patyo ng simbahan. Tumugtog ang banda ng musiko. Sumakay sa kabayo si Llanera at sinimulan nilang lisanin ang bayan ng Cabiao. Kasunod ni Llanera ang apat na raan hanggang limang daan na kalalakihang armado ng iilang baril, mga itak, sibat at panalong kahoy.

Mula naman sa Gapan ay nagmartsa ang mga katipunero na pinamunuan ni Kapt. Pantalion Valmonte, ang plano ng dalawang pwersa na mula sa silangan at kanluran ay pagsalikupan ang kwartel ng mga kastila sa factoria, San Isidro ang kabisera ng lalawigan nuon.

At nang marating nila ang plaza ng bayan sa harap ng gobyerno nagkitakita, duon na nagpaputok ang katipunerong si Manolo Ventur bilang hudyat kay General Llanera na lusubin ang garison ng mga kastila. At ang kaganapan nito ay ang tinaguriang Unang Sigaw ng Kalayaan sa Nueva Ecija.

Katipunero Heneral Mariano Llanera:

 

Part 1 | Part 2 | Part 3 | Part 4