Mobile E-Passporting sa Nueva Ecija, sisimulan sa Setyembre

July 23, 2014 — Mas komportable at mas makakamura ang mga Novo Ecijano sa darating na Setyembre dahil dadalhin ng Department Of Foreign Affairs o DFA ang Mobile E-Passporting Serbilis sa lalawigan.

Sa pakikipagtulungan ng Provincial Government Public Employment Service Office o PESO ay mapapadali  ang  mga kukuha ng bago at renewal na passport dahil hindi na kailangan pang lumuwas at magkagastos ng malaki.

First come-first served sa 600 slots ang target ng DFA.

Paalala ni Mr. Michael Calma, hepe ng PESO, hanggang sa ika-21 ng Agosto na lamang ang pagpapasa ng aplikasyon.

Ang mga requirements sa mga kukuha ng renewal na passport ay ang mga sumusunod: application form na maaaring makuha sa www.dfa.gov.ph website ng DFA, photocopy of old passport, 3 valid id’s.

Para sa new passport dalhin ang mga sumusunod: application form na maaaring makuha sa www.dfa.gov.ph website ng DFA, NSO Birth Certificate, Local Birth Certificate, 3 valid id’s, NSO Marriage Certificate (if married).

Gagawin ang Mobile E-Passporting Serbilis sa ika-anim ng Setyembre, 2014 na gaganapin sa Old Capitol Building, Burgos Avenue, Cabanatuan City mula alas-otso ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon.

Ang nasabing programa ay hatid ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Oyie Umali, Vice Governor GP Padiernos at Congresswoman Cherry Umali.

Sa ilang katanungan maaaring tumawag sa himpilan ng PESO sa numerong 09272900747.- Ulat ni Shane Tolentino