Mga nasalanta ng bagyo sa Gabaldon, tinulungan ng AECID

JULY 23, 2014 — Binigyan ng pagkakataon ng AECID na makabangong muli ang mga mamamayan ng Gabaldon na lubhang nasalanta ang kabuhayan dahil sa pananalasa ng magkasunod na bagyong Pedring at Quiel noong 2011.

Ito ay sa pamamagitan ng pagkakaloob ng livelihood project saP amahalaang Lokal ng nasabing bayan na nagkakahalaga ng five million pesos na hinati sa limang project sites.

Napili bilang beneficiaries ang mga samahan na may magagandang track record at mga aktibong miyembro. Binubuo ito ng apat na Upland Farmers Association para sa rambutan production na may kasamang luya at gabi, at dalawang NGO o Non-governmental Organization.

Pinagkalooban ng 921, 428.00 ang Ligaya upland farmers na may 37 members. Bantug 1 .2 million pesos na may 35 miyembro, Cuyapa 921, 428.00 na may 16 members, Bugnan Mountainside farmers nabinigyan ng 1.2 million pesos na may 24 na miyembro.

Bagaman maraming nasirang pananim na rambutan noong kasagsagan ng bagyong Santi ay patuloy naming pinagkakakitaan ng mga magsasaka ang mga pananim na luya at gabi.

Ang dalawang NGO na biniyayaan ng dagdag puhunan ay ang Bagong Sicat Gabay sa Bagong Pag-asa na may 19 members na gumagawa ng cugon grass handicraft na nakatanggap ng 250,000.00 pesos, at Cuyapa Gabay sa Bagong Pag-asa na may 25 miyembro na binigyan ng 450, 000.00  na nagtatanim ng tiger grass at gumagawa ng walis tambo.

Ulat ni Clariza De Guzman