Bloodletting, bahagi ng ika-26 na pagdiriwang ng anibersaryo ng 7ID

July 22, 2014 — Nakalikom ng 118 bags ng dugo ang  7th Infantry Division ng Philippine Army sa ginanap na Blood Letting Activity nitong nakaraang Martes ika-22 ng Hulyo na ginanap sa Fort Magsaysay na may temang “Dugo Ko, Alay Ko Sa’yo”.

Layunin ng aktibidad   na makatulong sa mga nangangailan na salat sa pamumuhay at upang masuring mabuti ang kalusugan ng mga sundalo.

Ang bloodletting ay bahagi ng ika-26 na pagdiriwang ng 7th Infantry Division na taunang ginagawa ng mga sundalo.

Katuwang ng 7ID ang Philippine National Redcross, Cardinal Lions Club of Nueva Ecija at Rotary Club of Cabatuan City upang maging matagumpay ang nasabing aktibidad.

Ayon kay Lut.Col. Rodrigo Limos, hindi lamang sa ganitong panahon sila ay boluntaryong nagbibigay ng dugo para sa mga nangangailan.

Kalakip nito ang dalawang linggong paghahanda para sa nalalapit na anibersaryo ng 7th Infantry Division sa darating na ika-1 ng Agosto.- Ulat ni Shane Tolentino