Mahigit 500 na guro, hinasa sa pagtuturo ng pagsusulat

July 21, 2014 — Mahigit limang daang guro ng Filipino, English at School Paper Advisers ang nakiisa sa katatapos lamang na 2014 Division Training for School Paper Advisers with the Integration of ICT through Collaborative Desktop Publishing na ginanap sa Nueva Ecija High School (NEHS) kahapon.

Ayon sa OICPS in English ng DEPED o Department Of Education na si Elizabeth Galindo, Highly qualified na mga school paper advisers buhat sa Division Training Team ang mga naging tagapagsanay sa nasabing seminar kung kaya’t sinisiguro nila ang mas lalong pagtaas ng kalidad ng pagtuturo ng mga guro sa larangan ng diyornalismo.

Dagdag pa ni Galindo, isinagawa umano ang pagsasanay na ito dahil na rin sa paghahanda para sa mga estudyante na magkokompit o lalaban sa mga Higher Press Conferences tulad ng Regional at National Conferences.

Mula sa iba’t ibang bayan ng Nueva Ecija ang mga guro na nagpartisipa at mas lalong nagpakahusay upang mas maging handa sa pagtuturo para sa kanilang mga estudyanteng may malaking potensyal pagdating sa pagsusulat.

Umaasa ang DEPED na ipagpapatuloy ng mga guro ang kanilang nasimulan at natutunan sa seminar nang sa gayon ay maging magandang ehemplo ang bawat isa sa kanila sa mata ng kanilang mga eskwela.

Laking tuwa ni ma’am Carol at ma’am Annie na kapwa mga guro ng San Anton National High School ng Jaen, Nueva Ecija sa pagtutok ng deped sa kanila at sa pagkakaroon ng mga ganitong klase ng seminar.

Samantala, hinati sa sampung kategorya ang mga isinagawang training para sa mga guro kabilang dito ang news writing, editorial writing, sports writing, feature writing, science and health writing, photojournalism, editorial cartooning, copy reading and headline writing, radio broadcasting at collaborative desktop publishing.

Apat na araw ang itinagal ng seminar na nagsimula noong nakaraang Huwebes (July 21, 2014).

— Ulat ni Mary Joy Perez