NEUST, inilunsad ang Talent Show Expo 2014

JULY 17, 2014 — Nagtagisan ng husay sa talento ang labing tatlong kalahok kamakailan sa naganap na “The Talent Show”.  Kaugnay ito ng kanilang pagdiriwang ng Expo 2014 na may temang “Creating Connections” na ginanap sa Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST) San Isidro Campus.

Ayon kay Ramonito Vega, event organizer, layunin ng kanilang event ay upang maipakita at  maibahagi ang talento  ng mga mag-aaral.

Dagdag ni Harly Francisco, CSC-PRO na pagdating sa kanilang screening ay umangat ang mga kakaibang talento.

Iba’t ibang klaseng talento ang ipinamalas ng mga kalahok tulad ng  pagtugtog ng gitara, pagkanta ,pagsayaw ng Modern Dance, Ballroom  at pagsayaw gamit ang apoy.

Dinagsa ng mga mag-aaral ang nasabing programa. Hiyawan at palakpakan ang madidinig mula sa mga taga suporta ng bawat kalahok.

At sa huli naiuwi ng Fierce Dancers ang pagiging Grand Champion ng The Talent Show  ang kanilang malabuwis buhay na sayaw na kinabibilangan nina Emmanuel Basa, Furoi Taruc at Marinel Ruizo.

Ayon sa grupo, mahigpit ang naging labanan dahil magagaling ang lahat ng kalahok.-Ulat ni Joyce Fuentes