Feeding Program, atbp., isinagawa ng Tau Gamma-Cabanatuan sa Bry. Crisostomo

July 17, 2014 — Huling pahabol sa tag-init ang hatid ng libreng gupit, libreng tsinelas at feeding program ng Tau Gamma Phi- Cabanatuan Chapter sa Barangay Padre Crisostomo  kamakailan.

Laking tuwa at pasasalamat ng mga bata, mag-aaral, magulang  at guro sa isinagawang programa ng kapatiran sa kanilang barangay.

Ayon sa Chairman Ng Tau Gamma, layunin ng kanilang programa na makatulong sa mga taong nangangailangan na palagian nilang ginagawa taon-taon.

Ito ay kanila ring ginagawa upang maialis ang maling impresyon ng mga matatanda sa kanilang samahan.

Sa pakikipagtulungan ng Canada National Highschool, Manitoba Regional Council, Aduas Centro Community Chapter, Padre Crisostomo at Lourdes Chapter ay naging matagumpay ang pagbibigay kasiyahan sa mga residente ng nasabing barangay.

Hindi lamang ang Padre Crisostomo ang nabiyayaan kundi pati na rin ang Brgy. Aduas Centro at Bagong Sikat Elementary School. – Ulat ni Shane Tolentino