Flashpoint West Philippine Sea: Airbase, binubuo ng bansang China sa Kalayaan Group of Islands

Bukod sa pagpapadala ng oil rig, isang airbase ang ngayon ay binubuo ng bansang China sa Kalayaan Group of Islands sa surveillance picture na ipinakita ng Department of Foreign Affairs (DFA), kung saan kitang-kita ang mabilisang konstruksyon nito.

Kitang kita sa mga litratong inilabas ng department of foreign affairs at ang plano ng bansang china na isang airbase nga ang binubuo ng bansang china sa west philippine sea.

Five square kilometers ang laki ng airbase na pinapagawa ng bansang china sa loob ng kalayaan group of islands sa gawi ng Mabini Reef o South Johnson Reef. Sinisimulan ang konstruksyon ng airbase na magkakahalaga ng 5 bilyong dolyar at balak na rin okupahin ng Chinese military ang Panganiban Reef na malapit lamang sa mainland ng Palawan.

Kaugnay nito ay nag pasa ng reklamo ang bansang pilipinas at iba pang bansa dahil sa ipinag babawal ang pagtatayo ng kahit anong establishimiento sa mga pinag-aagawang isla hangga’t hindi pa ito nareresolba.

Gayunpaman, ang pagpapadala ng oil rig at pag gawa ng isang air base sa Kalayaan Group of Islands ay patuloy pa rin at hindi maipatigil ng mga kalapit nitong bansa na nagsasabing pag aari nito ang nasabing mga isla.

Ang pagpapatayo ng isang air base sa Kalayaan Group of Islands ay isang estratehiya upang mas madaling mabantayan ng China ang mga isla ng Kalayaan Group of Islands at sa gayun ding paraan ay maging mas malakas ang impluwensya nito sa lugar.

Samantala naman ay naayos na ng Pilipinas at Indonesia ang hindi nila pagkakaunawaan sa mga isla sa Celebes Sea. Pumirma na ng historic agreement ang dalawang bansa noong May 23 na dinaluhan ng presidente ng dalawang bansa.

Sa loob ng dalawampung taon ay nagkaroon ng di pagkakaunawaan ang bansang Pilipinas at Indonesia dahil sa mga isla sa Mindanao na parehong inaangkin ng dalawang bansa.

Ang settlement na ito ay lalong nagpalakas sa pagkakaisa ng bansang Pilipinas at Indonesia na parehong nakaharap sa pag-angkin ng mga isla sa Kalayaan Group of Islands. Bibigyang halaga ng dalawang bansa ang EEZ o Exclusive Economic Zone ng dalawang bansa at ito ay babantayan ng mga coast guard upang masiguro na maisasa katuparan ang mga patakaran na ito.

Ang pagkakaisa ng Pilipinas at iba pang mga bansa ay kinakailangan upang sabay-sabay na humarap sa bansang China sa laban ng Kalayaan Group of Islands.

Ayon sa mga eksperto ay mas magandang magkaisa ang mga maliliit na bansa laban sa bansang China na umaangkin sa lahat ng mga isla ng Kalayaan Group of Islands. Ayon kay Indonesia President Susilo Bambang Yudhoyono, “God willing, in Allah, it will bring great benefit, real benefit for both Indonesia and the Philippines. Therefore with the agreement or such delimitation of maritime boundaries, we may work even closer.”

Sa dalawang araw na pag bisita ni Yudhoyono sa bansa ay napagtibay nito ang kooperasyon at pagkakaisa sa mga usapin ng teritoryo at karapatan. Ibinase ang pagkakahating ito sa international law na EEZ, na itinakda ng UNCLOS o United Nations Convention on The Law of the Sea.

Sa ngayon ay nagpapalakas din ng pwersa militar ang bansang Indonesia sa West Philippine Sea partikular na sa mga lugar na malapit sa sinasabing nine dash line claim ng bansang China at nagdadagdag ng mga fighter aircraft ang bansang Indonesia sa Ranai airbase na matatagpuan malapit sa boarder ng West Philippine Sea.

Pinagtitibay na rin ng bansang Pilipinas at bansang Vietnam ang kanilang alyansa. Kamakailan lamang ay nagkita ang presidente ng Pilipinas Benigno Aquino III at Vietnam Prime Minister Nguyen Tan Dung upang pag usapan ang bilateral strategic partnership na nag lalayon na palakasin ang politikal at ekonomikal na relasyon ng dalawang bansa.

Ibig ng bansang Vietnam, Pilipinas at Indonesia na magkaisa upang ireklamo ang pang-aapi ng China sa mga bansa na nag mamay-ari sa mga isla ng Kalayaan Group of Islands. Isang malaking hakbang upang magkaroon ng iisang boses ang mga bansa laban sa bansang China.

Ang nine dash line ng China ay sumasakop sa West Philippine Sea o South China Sea na ruta ng mga barkong nagdadala ng ibat-ibang kalakal sa buong South East Asia at dahil din dito ay naging alerto ang ibang bansa sa mga galaw ng bansang China.

Gayunpaman ay wala pa ring hakbang na ginagawa ang UNCLOS sa kamakailang konstruksyon ng bansang China sa Kalayaan Group of Islands at hindi pa rin napag haharap-harap ang lahat ng bansang nagsasabing pag-aari nila ang buong South China Sea.