Nueva Ecija PDRRMC, nakaalerto para sa bagyong Glenda

JULY 15, 2014 — Ayon sa E.O. ng PDRRM ng Nueva Ecija, hindi gaanong maapektuhan ang lalawigan ng bagyong Glenda.

Ngunit maghahatid ito ng may kalakasang pag-ulan na magiging dahilan ng pagbaha sa ilang bahagi ng Nueva Ecija na may mabababang lugar.

Bagaman ganito ang sitwasyon, inihanda na ng PDRRMC ang rescue operation equipment gaya ng rubber boat, chain saw,lifevest, ropes, dump truck at iba pa sakaling lumala ang nasabing bagyo.

Bukod pa dito, iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang nakaambang tumulong sa pagbabantay sa sitwasyon ng mga Novo Ecijano gaya ng Philippine National Police, Philippine Army, Department of Public Works And Highways, Beareu of Fire And Protection, Provincial Health Office, National Irrigation Administration at marami pang iba.

Samantala, patuloy ang pag-rerepack ng relief goods ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) para sa mga maapektuhan sa kalamidad.

Ayon kay Jojo Daniel, hepe ng PSWDO, mahigit sa limang libong packs ng relief ang kanilang inihahanda simula pa kahapon.

Nakalaan namang buksan anumang oras ang labingpitong evacuation center sa lalawigan na ipinagawa ni Gov. Oyie Umali tulad na lamang sa Bibiclat Aliaga,Recuerdo Nampicuan, Cavite Guimba, Llanera Central School, Talugtog West Central School, San Fernado Laur, Bagong Sicat Gabaldon, Villa Luz Cabanatuan City, San Antonio Central School, Alua San Isidro, Panabingan San Antonio, Sto Cristo San Isidro, Mangino Gapan City, General Tinio National Highschool, Bagong Silang Cabiao, Bago General Tinio, At Nazareth General Tinio.

Kanselado naman ang ilang mga klase sa lahat ng antas maging pribado at pampublikong paaralan sa Nueva Ecija. Ulat ni Shane Tolentino