Daan-daang aplikante, dumagsa sa job fair ng PESO-Palayan City at Solaire

July 15, 2014 — Maaga pa lang ay dumating na si Christian para mag-apply bilang Casino Dealer sa ginanap na Job Fair ng PESO at Local Government Unit ng Palayan City at Solaire Resort and Casino.

Bilang fresh graduate, nais daw niya na magkaroon ng working experience sa isa sa pinakasikat na kumpanya sa bansa.

Sa unang araw pa lang ng Job Fair ay dumagsa na ang daan-daang job seekers na nagnanais na makakuha ng trabaho.

Ayon kay Mayor Cuevas, napakagandang oportunidad. Kayat binuksan nila hindi lamang para sa mga Palayanos kundi maging sa lahat ng mga Novo Ecijanos.

Humigit kumulang sa isang libo at limang daan ang hinahanap nila upang iposisyon sa Front and Back of the House katulad ng VIP Host, Casino Dealer, Call Center, Housekeeper, Room Attendant at marami pang iba.

Ang Job Fair ay bahagi ng patuloy na ginagawang programa ng PESO-Palayan upang tuluyang pababain ang bilang ng Unemployment Rate sa lungsod. Mula sa 26% nuong 2009, 12% nuong 2012, bumaba ito sa 3% nitong nakaraang taon.

Tumagal ang Job Fair mula July 15-16, ngunit sa dami ng mga aplikante binabalak na iextend pa ito sa mga susunod na araw. Ulat ni Danira Gabriel