Lingap Mula Sa Puso, tuloy-tuloy sa pagbibigay saya at tulong

July 10, 2014 –Umabot na sa dalawang daan at tatlumpu’t limang barangay ang napuntahan at nakatanggap ng tulong sa nasabing programa. Kabilang na dito ang barangay ng bayan ng General Natividad.  Ito ay ang Platero, Talabutab Sur at Talabutab Norte.

Sa pangunguna ni Doc  Anthony Umali ay tuloy-tuloy pa din ang pagbibigay saya, pag-alala at pagbigay tulong ng lingap mula sa puso na  proyekto ng Provincial Government sa ngalan ng ama ng ating lalawigan Governor Aurelio “Oyie” Umali  sa tulong ng ating ina ng lalawigan Congresswoman Czarina “Cherry” Umali.

Ayon kay Mayor Areli Grace Santos, sila ay nagpapasalamat sa patuloy na pagkalinga sa kanilang bayan at mga barangay. Tuwa’t saya ang naramdaman ng mga mamamayan ng bayan ng General Natividad sa natanggap nilang tulong.

Kaugnay nito ay pinasinayaan din ang bagong tayong Gymnasium na handog ni Governor Oyie sa lahat ng guro at mag-aaral ng Platero Elementary School.

Lubos na pasasalamat ang pahayag ng mga guro at mag aaral sa kanilang bagong gym na natanggap na labis na makakatulong sa kanilang mga gaganaping iba’t-ibang aktibidad.