Bagong summer station ID ng TV48, umani ng mahigit 380,000 views sa Facebook

July 10, 2014 — Umani ng papuri ang katatapos lamang na Summer Station ID 2014 ng TV48 nitong nakaraang Hunyo.

Umere ang nasabing Summer ID mula Mayo hanggang unang linggo ng Hunyo sa telebisyon ngunit kahit naging mabilis ang paglabas nito at pagkawala sa ere, umabot sa halos 400,000 views, mahigit 3,000 likes, 7,000 plus na shares at samu’t-saring magagandang comments ang natanggap nito sa facebook.

Ilan sa mga naging komento ng netizens ang papuri sa galing at husay ng pagbuo ng kanta lalong higit ang mga papuri para sa mga tila natatagong ganda ng buong lalawigan ng Nueva Ecija.

Lokal man ang network ng TV48 Sa Nueva Ecija, naabot naman nito ang iba’t-ibang probinsya maging sa ibang bansa  sa pamamagitan ng mga orihinal na gawang kanta ng stasyon tulad ng Tv48 Summer Station ID 2014.

Patunay dito ang maraming comments mula sa mga OFW’s at ilang mga kababayan nating pinoy sa iba’t-ibang dako ng mundo.

Komento ni Kristine Anne Torino-Casido, “my home town ang ganda pala”.

Sinabi naman Ni Nonito Guiao Sr., puntahan at ating ipagmamalaki ang ating bayan.

Nueva Ecija, now ko lang nakita na marami pa pala ako di nakikita sa sariling lugar ko. Sabi pa ni Billy Cruz.

Yan ang patunay na talagang ang ganda ng Nueva Ecija ay pwedeng-pwedeng ipagmalaki at ang talento ng pinoy partikular ang mga Novo Ecijano ay angat maging sa ibang lugar hanggang sa ibang mga bansa. Ulat ni Mary Joy Perez