NECSL 2014 screening, nagsimula na

JULY 8, 2014 — Bago magsimula ang sagupaan ng 13 teams nitong Agusto 2014 ay masusi munang sinuri ng mga coaches at sports coordinator ang mga players ng bawat koponan na lalahok sa Nueva Ecija Collegiate Sports League (NECSL) Season 3.

Isinagawa nila ang screening upang makita na sa umpisa pa lang ang mga kolorum na players sa bawat school.

Ayon kay Rhose, mas mahigpit ang kalakaran nila ngayon sa patnubay ni Doc Anthony Umali, Chairman ng NECSL Season 3 sa pakikipagtulungan ng Provincial Government of Nueva Ecija Governor Oyie Umali at Congresswoman Cherry Umali.

Labintatlong grupo ang magtatapatan ng galing para sa Men’s Basketball at labing-isang grupo sa Women’s Volleyball sa nalalapit na pag-arangkada ng paliga sa Nueva Ecija, ang Nueva Ecija Collegiate Sports League (NECSL) Season 3 ngayong taon.

Kabilang sa mga kolehiyo at unibersidad na lumahok na kabilang sa Bracket A Basketball Men ay ang mga sumusunod : Nueva Ecija University Science And Technology (NEUST PHOENIX),  AMA Computer College (AMA TITANS), dr. Gloria d. Lacson colleges golden lions, Manuel V. Gallego Foundation Colleges (MVGFC AMBASSADORS), College Of Research And Technology (CRT BLUEFOX), ABE College ( ABE VIKINGS),Datamex Blue Vipers.

Napabilang naman sa Bracket B Basketball Men ang mga sumusunod:Wesleyan University-Philippines (WUP KNIGHTS), College Of The Immaculate Conception (CIC KINGS), Midway Maritime Foundation Colleges (MIDWAY MARSHALLS), General De Jesus College (GJC GENERALS), La Fortuna College Spartans at Nueva Ecija Doctors College Incorporated (NEDCI BUFFALOS).

Samantala, binubuo ng Bracket A Volleyball Women ang mga sumusunod: KNIGHTS, VIKINGS, SPARTANS, TITANS, GENERALS aT AMBASSADORS.

Bracket B Volleybal Women PHOENIX, BLUEFOX, BLUE VIPERS, KINGS aT GOLDEN LIONS.

Bagamat walang pambato ang Midway Marshalls at Nedci Buffalos sa Women’s Volleyball ay hindi ito hadlang para makamit ang tagumpay.

Hindi naman nagpasok ng entry ngayong taon ang Central Luzon State University (CLSU GREEN COBRAS), Eduardo L. Joson Memorial Colleges (ELJMC HAWKS), Asian Institute College (AIE EXTREME EAGLES), Holy Cross College Conquerors at Good Samaritan Colleges Crusaders.

Muling paiinitin ng (CIC) KINGS ang basketball court na ayon sa kanilang coach ay pinaghandaan nila ang laban.

Unang pagkakataon ng La Fortuna College na makikipagtunggali sa mga bigating kolehiyo sa lalawigan.

Ayon sa defending champion ng NECSL Season 2, Mr. Renato De Guzman Sports Coordinator ng NEUST, nasa kanila ang matinding pressure pero umaasa pa rin na sila ang muling tatanghaling kampeon ngayong taon.

Malaki rin ang posibilidad na mapuno muli ang Gymnasium ng Araullo University sa darating na August 20 alas nuwebe ng umaga sa pagbubukas ng NECSL SEASON 3.

At inaasahan ng mga staff ng Sports And Youth Development Services na mamayani ang pagiging sports ng mga manlalaro maging ang mga coach. Ulat ni Shane Tolentino