LTO ng region 3, nagkasa ng operasyon laban sa mga kolorom bus

July 3, 2014 — Ikinasa ng LTO o Land Transportation Office ng Region 3 ang panghuhuli ng mga bus at mini bus na kolorum o walang mga prangkisa kamakailan sa San Miguel Pulong Munti, Talavera. Kung saan nakasaad sa Joint Administrative Order ng LTO, DOTC o Department Of Transportation And Communications at LTFRB o Land Transportation Franchising And Regulatory Board ang pagpapataw ng isang milyong pisong multa sa mga mapapatunayang kolorum na mga bus.

Bagama’t nagsimula ang operasyon ng 8:00 ng umaga at ilang bus na din ang hinarang at pinahinto upang tiyakin na sila ay may prangkisa ay wala ni isa ang nahuli na lumabag sa Nasabing Joint Administrative Order noong araw na yun.

Sa ilang oras na operasyon, kapansin pansin ang pagdalang na pagdaan ng mga bus.

Subalit ayon kay Santos, marahil ay naging mulat na ang ilang mga bus operator sa laki ng multang nakapataw sa pagiging kolorum.

At kung sakaling makahuli ng mga bus na kolorum ay dadalin ito sa LTFRB Pampanga kung saan may maluwang na pwesto para maging impounding area. Dagdag ni Santos, pagkatapos ng mga bus ay isusunod ang ilang ibang sasakyan.

Sa huli ay mensahe ang iniwan ni Santos sa lahat ng Novo Ecijano at sa lahat ng kanilang nasasakupan.

Sa ilalim ng bagong patakaran, tataas din ang multa sa iba pang mga kolorum na sasakyan.

Dalawandaang libong piso naman ang multa para sa mga hindi lisensyadong truck, P 50,000 para sa mga kolorum na jeepney, P 200,000 naman sa mga kolorum na van, P 120,000 para sa mga kolorum na taxi habang P 6,000 naman sa mga motorsiklo. Ulat ni Joyce Fuentes