Lingap Mula Sa Puso, inilunsad sa San Jose

July 2, 2014 — Espesyal ang lungsod ng San Jose dahil personal na dumalo ang ama ng lalawigan Governor Aurelio “Oyie” Matias Umali kasama ang ina ng lalawigan Congresswoman Cherry Umali sa pamamahagi ng mahigit sa tatlung libong regalo para sa San Josenians.

Kitang-kita ang ngiti sa mga residente ng tatlong Barangay Ng San Jose ang Barangay Tulat, Barangay Abar 2nd At Barangay Sto. Niño. 1st.

Nakatanggap ng mahigit apat na raang gift packs ang mga residente mula sa Bargy. Tulat sa pangunguna ni Kapitan Romeo Cawayan.

Samantala, mayroong mahigit siyam na raang regalo ang ibinahagi sa Barangay Abar 2nd sa pangunguna ni Kapitan Cornelio Catalan Sr.

Nag-umapaw naman sa pagsuporta ng mga residente mula sa Barangay Sto Nino 1st sa mahigit dalawang libong kataong pumunta sa Sto Nino 1st Elementary School Gymnasium sa maayos na pamamalakad ni Kapitan Mario Guila

Walang mapagsidlan ng tuwa ang ina ng lalawigan Congresswoman Cherry Umali sa mainit na pagtanggap ng mga San Josenians. Ayon sa kanya, ang pagbibigay ng regalong ito ay pagtuturi ni Gov Oyie sa mga Novo Ecijano bilang mga anak nito.

Ang Barangay Tulat, Abar 2nd at Sto Nino 1st ang ika- 218 hanggang 220 na barangay na napuntahan ng Lingap Mula Sa Puso Program ng pamahalaang panlalawigan. Ulat ni Shane Tolentino