Mga alagang hayop, ipinagkaloob ni AFP Vice Chief of Staff

Pormal ng inilipat ni afp o armed forces of the philippines vice chief of staff lieutenant general gregorio pio catapang jr. Sa pangangalaga ni brigader general henry sabarre ang animnapong kambing, dalawampo at tatlong gansa, at tatlong daangbibe.
Ito ay sa pamamagitan ng pagpirma ng dalawa sa isang deed of donation kung saan itini-turn over na ni vice chief of staff catapang kay general sabarre ang iniwanan niyang kabuhayan para sa mga sundalo dito sa lalawigan noong siya pa ang commander ng 7th infantry kaugnay division.
Bahagi umano ito ng non-monetary benefits sa ilaim ng proyekto ng pangulo ng bansa para sa sandatahang lakas kung saan papayagang ipagamit sa mga sundalo ang mga nakatiwangwang na lupain upang maging produktibo.
Tinatayang umaabot sa 45,000 hectares ang lupaing nasasakupan ng fort magsaysay military reservation sa lalawigan.
Kapwa naniniwala sina catapang at sabarre na isa rin ang pag-aalaga ng hayop bukod pa sa pagtatanim ng mga puno sa nakikitang paraan upang labanan ang bantang climate change at global warming.
Nagsimulang mangolekta ng kambing si general catapang noong nakadestino pa sya sa mount arayat, pampanga.
Noong una ay kinse lamang umano ang kanyang mga alagang kambing hanggang sa dumami na ito, karamihan ay babae.
Kwento pa ni catapang na ibinigay naman ng mga kaibigan nya ang mgagansa at bibe.